Pagmamahal Na Walang Katumbas

F
fherdz
![IMG_1481[1].JPG](https://steemitimages.com/DQmXLfktKSJns4s3WFsf4fhDNuakBrEzbABaP5QeD6BKc1m/IMG_1481%5B1%5D.JPG)
**Sa Umaga'y sumisilay, sa maamong mukha, Taglay mong kagandahan ako’y nabighani na, Tulad ng bulaklak iingatan hangang sa namumukadkad . Matitingkad na mga kulay, walang kasing ganda, ang iyong bangong humahalimuyak ako ay nahalina, Parang paru- paro, puso ko sayo’y nabihag.**
**Buhay kong nanghihina na nawalanan ng sigla, Sa hardin ng puso’y nagkaroon ng pag asa, Halika ka na at diligin, sa pagmamahal mo’t pag aalaga. Dalisay na hangarin sa’yo lang iaalay wala ng iba, Mga Bulaklak na sagisag, pagmamahal na walang katumbas, Ang pusong busilak, pundasyong matatag.**
**Panahon ay lilipas, Ganda’t bango’y kumukupas Mga araw na daraan, Dahon mo’y unti-unting nalalagas, Pero di patitibag, lalong tumatatag ang pagmamahal na wagas. Pagdadaanang pagsubok , mga problemang hinaharap, Ang mga unos o bagyong darating, di magtatagal ng habang panahon. Pangakong ‘di pababayaan ,sissikaping ito'y pakakaingatan, sumpaang magpakailanman.**
####
Maraming salamat, hanggang sa muli.
**Photo is mine and taken by me using my iPhone 4 Taken at San Fernando City, Philippines** **Thank you for stopping by:-) May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace. God bless us all :-)** ![](https://images2.weku.io/DQmWDcjen4Q1cyGwvSx1vimTmKkvwhyioZMCXNBeWKMW94r/image.png)

Comments