Pagdududa At Paghihinala

F
fherdz
https://cdn.pixabay.com/photo/2017/11/03/18/26/sea-2915187_960_720.jpg
[](https://www.pixabay.com)[pixabay](https://cdn.pixabay.com/photo/2017/11/03/18/26/sea-2915187_960_720.jpg)
**Katagang mahal ay hindi na sapat para mahalin ka Magaling lang salita pero kulang naman sa gawa. Ni minsan di man lang nakita ang aking tunay halaga Dahil sa piling mo’y hatid ay puro sakit at pagdurusa.**
**Hinding- hindi na kita ipaglalaban pa puso'y labis na nasaktan ay sumuko na. Paghingi ng patawad ay nakakarindi na Ang paulit-ulit na sori ay wala ng bisa.**
**Ang mga pagdududa at paghihinala Lahat ng kasalanan sa akin mo pinasa. Panunumbat mo na wala ka ng tiwala Yun pala ikaw mismo ang gumawa.**
**Ang pag titiwala ko’y sobra-sobra Kahit minsan hindi man lang nag hinala. Pero ano ang napala sa sobrang tiwala Niloloko mo lang pala.**
**Pangako ko’y kailangan ko na ding simulan Sa aking sarili’y ang puso ay pangahalagahan. At hindi ko na uulitin ang mga katangahan Pag-ibig na ipinaglaban ay may nakatagong kasinungalingan.**
###
Maraming salamat, hanggang sa muli.
**Thank you for stopping by:-) May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace. God bless us all :-)** ![](https://images2.weku.io/DQmWDcjen4Q1cyGwvSx1vimTmKkvwhyioZMCXNBeWKMW94r/image.png)

Comments