Hindi Ka Niya Pababayaan
[pixabay](https://pixabay.com/images/id-2624402/)
**May mga pagsubok at problema man
Sa buhay natin di maiwasan
Kahit anong pilit mong takasan
At minsan gusto mo nalang sukuan.**
**Salamat at di mo ako pinabayaan
Sa gitna ng problemang pinapasan
Ni minsan di mo ako iniwan
At lagi mo akong sinasamahan.**
**Handa akong damayan at tulongan
Sa kasawian, kalungkutan, kasiyahan
Ikaw ay laging nariyan
Sa oras ng pangangailangan.**
**Sa saya man at kalungkutan,
Sa tagumpay o sa kabiguan
Ikaw ang aking katugunan
Sa lahat ng aking mga pangangailangan.**
**Maraming salamat sa iyong kabutihan
Sa walang sawa mong pagmamahal
At laging nandiyan para ako ay gabayan
Aking Panginoon at Diyos na mapagmahal.**
**Maraming Salamat Sa Walang Hanggang
At Walang Katumbas Na Pagmamahal**
## Maraming salamat, hanggang sa muli.
**Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)**
