DI SAPAT AT KULANG

[](https://www.pixabay.com)[pixabay](https://cdn.pixabay.com/photo/2017/04/26/23/46/morning-2264051_960_720.jpg)
**Mga bagay na akala ay tama
Dahil lahat-lahat nabigay mo na
Sa akalang ito'y sapat na.
Pero di pala sapat at kulang pa
Dahil maling mali ako sa akala.**
**Sa tuwing may mga problema
Laging handa para damayan ka
At sa bawat dagok at pagsubok.
Nandito lang ako para gabayan ka
Lahat gagawin para sa’yong ikakaligaya.**
**Sa bawat araw-araw na magkasama
Ay walang kasing tamis at kasing saya
Lahat ng hiling at ninanais ibinigay na.
Upang mapasaya at mapaligaya ka
At para maipakita at maipadama.**
**Pangakong walang iwanan
Pagmamahalang walang hangganan
Sinubok ng kapalaran.
Winasak ang magandang samahan
kahit pilit nilalabanan.**
**Saan ako nagkamali at nagkulang?
Dahil ba sa sobrang pagmamahal?
Pagmamahal na hindi mo kayang suklian.
Kaya ako ay iyong iniwanan…
Ginawa na lahat ng mga paraan pero….**
**...DI PARIN SAPAT AT KULANG**
***Maraming salamat, hanggang sa muli***
**Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)**
